May hanggang katapusan ng Hulyo ang mga national government agencies para isumite ang mga kinakailangang ulat para sa Performance-Based Bonus (PBB) ng kanilang mga empleyado.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Gerald Janda, may 20 araw ang mga ahensiya, sa ilalim ng Executive Order No. 61, para magsumite ng kanilang compliance report at iba pang requirements.

Pagkatapos nito, may 60 araw ang validating agencies para beripikahin ang mga isinumiteng dokumento.

Target na mailabas sa katapusan ng Agosto o unang linggo ng Setyembre ang pinal na listahan ng mga kuwalipikado sa pagtanggap ng 2024 PBB.