Labis ang saya ng mga anak ni Mary Jane Veloso matapos na muling makita ang kanilang ina sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ngayong umaga.

Bumalik sa bansa si Veloso kaninang 5:50 a.m. matapos ang mahigit 14 taon na pagkakakulong sa Indonesia.

Naging emosyonal ang mga anak ni Veloso na sina Mark Daniel at Mark Darren matapos na pumasok sa detention facility ang kanilang ina.

Kasama sa mga bumisita kay Veloso ang kanyang kapatid na babae, kasama ang iba pang mga kamag-anak at binigyan siya ng mga bulaklak.

Ang huling dumating sa detention facility ang kanyang mga magulang.

-- ADVERTISEMENT --

Dumating kaninang 7:06 a.m. CIW ang convoy na naghatid kay Veloso.

Mandatory na mananatili si Veloso sa Reception and Diagnostic Center ng CIW para sa limang araw na quarantine at 55 araw na orientation, diagnostic evaluation, at initial security classification.