TUGUEGARAO CITY – Umaabot sa P40, 000 na halaga ng mga iligal na paputok ang sinira sa compound ng Police Regional Office No. 2 bilang pakikiisa sa simultaneous activity ng PNP kaninang umaga.
Sinabi ni PLTCOL Rex Buyucan, chief ng Regional Civil Security Unit na ang mga nasabing paputok ay mga nakumpiska ng iba’t -ibang himpilan sa region 2.
Ayon kay Buyucan, binasa ang mga nasabing paputok na kinabibilangan ng mga kwitis, piccolo, judas belt , plapla at iba pa.
-- ADVERTISEMENT --
Kaugnay nito, sinabi ni Bayucan na mas kokonti ngayon ang mga nakumpiskang mga iligal na paputok kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon.
Ang mga ito aniya ay bunga ng kanilang tuloy-tuloy na monitoring buhat noong December 21 hanggang sa pagsalubong sa Bagong Taon.