Dumating na sa bansa kaninang umaga ang mga labi ng Philippine National Police (PNP) colonel na kabilang sa mga nasawi sa plane crash sa Estados Unidos.

Binigyan si Police Colonel Pergentino “Bong” Malabed Jr. ng arrival honors nang dumating ang kanyang mga labi sa Ninoy Aquino International Airport.

Kasunod nito, dinala ang mga labi ni Malabed sa PNP Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City.

Magsisimula ang necrological services sa Multi-Purpose Center ngayong araw na ito, ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief Col. Randulf Tuaño.

Sinabi ni Tuaño na ihahatid sa huling hantungan si Malabed sa Memorial Garden sa Santa Rosa City, Laguna, kung saan magkakaroon din ng funeral honors sa February 27.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang si Malabed sa 67 na namatay sa banggaan ng passenger jetliner at US Army helicopter sa himpapawid ng Otomac River sa Washington, D.C. noong Januay 29.