Bumuo ng isang pambansang pederasyon ang mga magsasaka at iba pang stakeholder ng industriya ng ube upang palawakin ang merkado ng produktong lokal, kasabay ng patuloy na pagtaas ng popularidad nito sa bansa at ibang bahagi ng mundo.

Kabilang sa United Ube PH Association Inc. ang mga magsasaka, kooperatiba, growers, processor, trader, exporter, researcher, academe at mga kinatawan ng pamahalaan.

Opisyal itong kinilala bilang non-stock, non-profit organization matapos ang pagpaparehistro nito sa Securities and Exchange Commission ngayong Agosto.

Sinusuportahan ng Department of Agriculture ang grupo na naglalayong mapalakas ang produksyon at eksportasyon ng ube.

Kasalukuyan na rin itong nakikipag-usap sa mga Philippine at German chamber para sa posibleng pangmatagalang supply at purchase agreements.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa mga pangunahing taniman ng ube ang Bohol, Benguet, Batangas at Quezon.

Layunin ng industriya na mapakinabangan ng mas maraming magsasaka ang lumalaking demand sa sariwang ube at mga produktong gawa mula rito.