Patuloy na sumisikat ang ube sa international market, pero nahaharap naman ang Pilipinas sa kakulangan ng suplay para matugunan ang tumataas na demand.

Mula sa dating lokal na paborito, ginagamit na ngayon ang ube sa iba’t ibang produkto sa ibang bansa, kabilang ang mga inumin, dessert at iba pang food products.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ng Department of Agriculture ang pag-export ng fresh ube at planting materials upang mapalakas muna ang domestic production.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kulang mismo ang Pilipinas sa planting materials kaya kailangang unahin ang pagpaparami ng tanim sa bansa bago palawakin ang pag-export.

Layunin ng hakbang na mapunan ang kakulangan sa planting stock at mapalawak ang produksyon ng ube sa Pilipinas bago muling itulak ang mas malaking international market.

-- ADVERTISEMENT --

Itinuturing ng pamahalaan ang ube bilang potensyal na export product ng bansa habang patuloy itong nagiging popular sa pandaigdigang merkado.