Naghain ng kasong kriminal ang Department of Justice (DOJ) laban kina Jojo Nones at Richard Cruz, dating TV consultants na inakusahan ng rape at sexual assault ng aktor na si Sandro Muhlach.
Sinabi ni acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, batay sa imbestigasyon ng prosecutor, may malinaw na paglalarawan at detalye ang biktima na siya ay inabuso ng dalawang akusado.
Ayon pa kay Fadullon, ikonsidera ng prosecutor ang depensa ng respondents, kung saan ito ay tanging pagtanggi lamang sa mga alegasyon.
Iginiit ni Fadullon na ang positive indentification ang pinakamalakas na porma ng ebidensiya at ang pagtanggi ang pinakamahina na depensa.