
Isa pang bangkay ang nakuha mula sa gumuhong siyam na palapag na gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central Luzon, natagpuan ang katawan sa Sector 1 bandang 9 p.m. at agad na isinagawa ang retrieval operation.
Patuloy naman ang search, rescue, at clearing operations ng unified command sa lugar.
Gumagamit na rin ng mabibigat na kagamitan tulad ng jackhammer ang mga responder para maalis ang malalaking tipak ng semento at mas mapabilis ang retrieval.










