
Isa pang biktima ang naalis ng mga responder mula sa gumuhong gusali sa Barangay Balibago, Angeles City.
Ito na ang ika-22 biktimang narekober mula sa mga guho habang nagpapatuloy ang search, rescue at retrieval operations sa lugar.
Ayon sa BFP Central Luzon, narekober ang labi alas-7:21 ng umaga ngayong Miyerkules.
Natukoy umano ang lokasyon ng biktima alas-4:04 ng madaling araw sa bahagi ng Quadrant 2 ng collapse site.
Kahapon, apat na bangkay ang nakuha ng mga responder mula sa gumuhong istruktura.
Kabilang ang isang sanggol na narekober mula rin sa Quadrant 2.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang operasyon sa lugar upang matiyak na wala nang iba pang biktimang maiiwan sa ilalim ng mga guho.
Tumutulong din ang mga heavy equipment sa pag-aalis ng mga debris habang mahigpit na binabantayan ng mga spotter ang operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga responder at ang maingat na pagproseso sa collapse site.









