Umamin na ang komadronang nagtuli sa nasawing 10 taong gulang na bata sa Tondo, Maynila na hindi siya lisensyadong doktor.

Pag-amin nito sa opisina ni Mayor Isko Moreno – isa siyang midwife at hindi doktor.

Kasabay nito, nakikiusap siya sa pamilya ng nasawing bata na makipag-areglo dahil hindi rin umano niya ginusto ang kinahinatnan ng pagtutuli.

Sa kabila ng pakiusap, tila walang balak makipag-areglo ang ina ng biktima.

Mababatid na wala pang isang oras matapos matuli noon ang bata ay nangitim na ito at nahirapang makahinga.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa resulta ng autopsy noong nakaraang buwan, anesthesia ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at illegal practice of medicine ang midwife.