Nahuli sa video ang tangkang pagnanakaw ng electrical wire ng dalawang lalaki sa isang bahay sa Antipolo, Rizal kahapon ng umaga.

Ayon sa isang residente, inakala niyang manggagawa ang isa sa mga lalaki na mabilis at sanay umakyat sa bakod—tila “Spiderman” sa kilos.

Ngunit nang mapansin niyang walang suot na uniporme, agad siyang naghinala.

Nang sitahin ito ng residente, tumakas ang mga suspek at nahagip pa ng CCTV.

Agad itong ini-report sa barangay, at lumabas na hindi ito ang unang insidente ng parehong modus.

-- ADVERTISEMENT --

Sa tulong ng barangay task force, isang 14-anyos na lookout ang nahuli kinabukasan.

Ayon sa mga opisyal, miyembro umano ito ng kilalang “Spiderman Gang” na nagnanakaw ng kable, binabalatan, at ibinibenta.

Dinala na sa pulisya ang menor de edad para sa medical exam at documentation, habang hinahanap pa ang kanyang 21-anyos na kasamahan.