Patay ang isang lolo matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa concrete fence sa bayan ng Gonzaga nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ng PNP-Gonzaga ang biktima na si Severo Guira, 68-anyos at residente ng Barangay Calayan.

Nabatid na minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng Barangay Paradise nang aksidenteng napunta sa kanang bahagi ng lansangan hanggang sa bumangga sa concrete fence.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, nagtamo ng matinding sugat si Guira sa kanyang ulo.

Isinugod si Guira sa pinakamalapit na pagamutan kung saan siya idineklarang dead on arrival.

-- ADVERTISEMENT --