Iniharap ng National Bureau of Investigation o NBI sa publiko ang naarestong dayuhan mula sa Guangdong, China matapos magpanggap na Pilipino.

Kinilala ang suspek na si Wang Xiujun, 43 years old at gumagamit ng alyas na “Cassia Palma Poliquit.”

Nabatid na gamit ng nasabing Chinese national sa kaniyang mga business transaction ang Philippine passport at certificate of live birth mula ss late registration

Samantala, iniharap din ng NBI sa media ang isang lalaking nagpanggap naman na isang NBI agent at nasangkot sa road rage.

Siya ay kinilalang si Jay-ar Cabana na suspek sa isang road rage incident sa Quezon Province noong July 13, 2025.

-- ADVERTISEMENT --

Napag-alamang may standing warrant sa kasong syndicated estafa ang suspek na unang kinilalang si Paul John Jimenez.

Ang suspek ay inireklamo ng motorcycle rider matapos nitong banggain ang kanyang sport utility vehicle (SUV), at nagpakita pa raw ito ng NBI badge bilang pananakot sa kanya matapos ang alitan sa trapiko.

Inaalam na ng NBI kung paano siya nagkaroon ng mga ID.