
Nakitaan ng butas ng NBI ang pasabog ng 18 dating sundalo na dating security aide ni dating Cong. Zaldy Co.
Partikular ang expose’ ng Marines hinggil sa cash deliveries na nagkakahalaga ng ₱805 billion na dinala sa ilang opisyal ng gobyerno kabilang sina Pangulong Bongbong Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez at ilang kongresista.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, hindi natukoy ng mga sundalo kung galing ba ang pera sa pondo ng bayan o sa pribadong pondo.
Kinontra rin ni Matibag ang pahayag ng mga abogado ng Marines na si Atty. Levi Baligod na ang Office of the Ombudsman lamang ang may hurisdiksyon mag-imbestiga sa naturang eskandalo.
Kinuwestiyon din ng NBI chief ang motibo ng mga sundalo sa kanilang expose’.
-- ADVERTISEMENT --









