Ibinaba na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang alert status ng kanilang Operations Center mula BLUE patungong WHITE alert o normal condition, epektibo ngayong araw.
Batay sa Memorandum No. 139 s. 2025, ginawa ang hakbang kasunod ng paglabas ng Low Pressure Area na unang namonitor sa silangan ng Guiuan, Eastern Visayas at ng Tropical Depression AURING sa bansa.
Gayunpaman, pinayuhan pa rin ang mga miyembro ng NDRRMC at mga Regional DRRM Councils na ipagpatuloy ang pagbabantay sa kani-kanilang mga Area of Responsibility.