Nagbigay ng direktiba ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lahat ng regional at offices ng disaster management na palakasin ang paghahanda sa Bagyong #BasyangPH.

Sa pamamagitan ng Memorandun na pirmado ni NDRRMC executive director at OCD Administrator Usec. Harold Cabreros, kasama sa mga ipinag-utos ang:

  • Agarang pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko gamit ang multi-platform communication.
  • Paglalagay ng tamang warning signs sa mga lugar na delikado sa landslide at baha.
  • Paglabas ng travel advisories at posibleng suspension sa land at air travel.
  • Mahigpit na pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na mataas ang panganib.
  • Pagpapatupad ng “no-sail policy” at movement restrictions para sa kaligtasan ng publiko.
  • at Prepositioning ng resources at pagtitiyak sa kahandaan ng personnel, sasakyan at kagamitan para sa mabilisang tugon sa oras ng emergency.

Pinayuhan din ang mga komunidad sa paligid ng ilog, watershed at mabababang lugar na agad maghanda at lumikas bago lumala ang kondisyon ng panahon.