Kulong ang isang lalaki matapos na makuha sa kanyang tahanan ang anim na sachet ng pinaghihinalaang shabu sa Buguey,Cagayan.

Sinabi ni Police Capt.Joel Labasan, hepe ng PNP Buguey,nakuha sa tahanan ni Custer Tiri,34 ng Centro,Buguey ang mga nasabing iligal na droga matapos na isilbi ang search warrant kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayon kay Labasan, himingi sila ng search warrant sa korte matapos na makumpirma sa kanilang ginawang surveillance sa suspek na siya ay drug pusher.

Sinabi niya na nagtapos ang suspek sa community based rehabilitation and wellness program ng pamahalaan para sa mga tokhang responders.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga otoridad kung saan kumukuha ng supply ng
illegal drugs si Tiri.

-- ADVERTISEMENT --