Arestado ang dalawang wanted person sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis ng Cagayan kahapon.

Unang naaresto ang kinilalang si alyas Marc, 29-anyos, driver at residente ng bayan ng Sto. Niño, dahil sa paglabag sa
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Siya ay itinuring na number 9 most wanted person sa municipal level sa Pasay City.

Naaresto naman sa bayan ng Sta. Ana si alyas Dodong, 31-anyos, mangingisda, residente ng nasabing bayan dahil sa paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines o illegal logging.

Nadakip siya sa pagtutulungan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Batanes at PNP Sta. Ana.

-- ADVERTISEMENT --