Kinumpirma ng Guinness World Records na ang isang taong gulang na si Ace-Liam Nana Sam Ankrah mula sa Ghana ang bagong record holder para sa pinakamabatang lalaking pintor.

Ayon sa GWR, ang paintings ni Ace-Liam ay gumagamit ng technique na manipulation ng acrylic paint sa canvass gamit ang mga kamay at katawan para makalikha ng unique at abstract artworks.

Para maging kualipikado si Ace-Liam, kailangan nitong magpinta, sumali sa exhibition, dapat may maibenta siyang obra, at magpakita ng ebidensiya ng event, kabilang ang media coverage at social media handles.

Buhat ng unang artwork ni Ace-Liam na may pamagat na “The Crawl”, nakumpleto niya ang 20 na paintings at patuloy pa siya sa kanyang paglikha ng kanyang mga obra.