Binunot ang umaabot na naman sa P15 milyong halaga ng pananim na marijuana matapos madiskubre ng mga otoridad sa bulubunduking bahagi ng probinsya ng Kalinga.
Bunga ito ng tuloy-tuloy na kampanya kontra ipinagbabawal na gamot ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Region 2, PDEA Kalinga Provincial Office, Philippine National Police Drug Enforcement Group-Special Operations Unit, Cordillera Administrative Region (PNP DEG-SOU CAR), at Provincial Intelligence Team-Regional Intelligence Unit (PIT-RIU).
Nasa 45,000 na fully grown marijuana plants at tinatayang 50 kilos ng dried marijuana leaves, stalks, at fruiting tops ang sinira ng mga otoridad.
Isinagawa ito mula alas 3:00 ng madaling araw hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Hunyo 13, 2025.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nasa likod na nagmamay-ari ng nasabing marijuana plantation.