Sinira ng mga awtoridad sa Kalinga ang tanim na marijuana sa dalawang nadiskubreng plantation site na nagkakahalaga ng P2.2 million.

Unang isinagawa ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC), Tinglayan Municipal Police Station (MPS), PDEA Kalinga, and PDEU Kalinga Provincial Police Office (KPPO) OPLAN “EXCIDIUM” sa kabundukan ng Barangay Butbut Proper, Tinglayan.

Nakita sa nasabing lugar ang 6,500 fully grown marijuana plants na tinatayang nagkakahalaga ng P1.3 million.

Nadiskubre ang 4,500 na tanim na marijuana sa Sitio Anonang, Barangay Liwan East, Rizal, Kalinga na tinatayang nagkakahalaga ng P900,000.

Binunot at sinunog sa mga nasabing lugar ang mga marijuana.

-- ADVERTISEMENT --

May dinala din na samples ng marijuana na isinumite sa Kalinga Forensic Unit ng Kalinga Police Provincial Office para sa pagsusuri.

Gayunman, walang nahuli na cultivator sa nasabing mga operasyon.

Kaugnay nito, sinabi ng PNP Kalinga na ang pagkakadiskubre sa mga nasabing taniman ng marijuana ay patunay ng kanilang paigtigting na kampanya laban sa illegal drugs.