Huli ang isang high value individual sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Pateng, Gonzaga, Cagayan kagabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Dodong,” 62 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabing bayan.

Isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon ng 7:10 p.m.

Nakumpiska sa operasyon ang siyam sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 30 gramo, na nagkakahalaga ng P204,000.

Matapos ang isinagawang operasyon, dinala ang suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya sa Gonzaga Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyan nang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa suspek dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.