
Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan ang P300,000 halaga ng hinihinalang high-grade marijuana mula sa bahay ng isang rap artist at social media influencer sa Barangay Minien West, Sta. Barbara, Pangasinan.
Kinilala ni Regional Director Atty. Benjamin Gaspi ng PDEA Region 1 ang suspek na si alyas “Harsh,” 29 anyos, na dinala sa PDEA Pangasinan Provincial Office sa Urdaneta City at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Ang nasamsam ay humigit-kumulang 100 gramo ng marijuana kush, 28 gramo ng marijuana vape, at mga drug paraphernalia na tinatayang nagkakahalaga ng ₱300,000.
Ang suspek ay nasa High Value Target o HVT list ng nasabing ahensya.
Iniimbestigahan ngayon ng otoridad kung may kinalaman sa iba pang kalakalan ng illegal na droga ang nasabing suspek sa ibat-ibang bayan at karatig probinsya.










