TUGUEGARAO CITY- Binunot at sinunog ng mga otoridad ang 20, 600 na fully grown marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P5m sa dalawang plantation sites sa Tinglayan, Kalinga.

Ito ay bahagi pa rin ng patuloy na implementasyon ng PNP at PDEA na tinawag nilang ” OPLAN 17 Patpat” o marijuana eradication.

6, 000 na fuly grown marijuana ang sinira sa unang site habang 20, 000 naman sa ikalawang site sa Butbut Proper, Tinglayan.

Subalit , tulad ng mga nakalipas na marijuana eradication ay walang nahuling cultivator sa nasabing operasyon.

-- ADVERTISEMENT --