
Inaasahang muling bababa ang presyo ng diesel sa Abril 28, na maaaring umabot sa P8 hanggang P10 kada litro.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng pagbaba ng presyo ng langis.
Ayon sa datos mula sa unang apat na araw ng trading, patuloy ang pagbaba ng diesel habang ang presyo naman ng gasolina ay maaaring tumaas ng P1 kada litro o manatiling walang pagbabago.
Matatandaang mula nang sumiklab ang tensyon sa Gitnang Silangan noong Pebrero 28, malaki ang itinaas ng presyo ng diesel, kung saan umaabot sa double-digit increases kada linggo ang pagtaas nito.
Gayunman, bumaba ang pressure sa pandaigdigang merkado ng langis dahil sa mga pahayag ukol sa ceasefire at posibleng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng United States, Iran, at Israel.
-- ADVERTISEMENT --










