Inihayag ni dating senator Manny Pacquaio na naghahanda siya na maghain ng maraming reklamo laban sa inarestong vlogger na si Norman Mangusin, o kilala ring si Francis Leo Marcos.

Inakusahan ni Pacquaio si Mangusin na nagpapakalat ng mga walang katotohang mga impormasyon at panloloko sa publiko.

Ayon kay Pacquaio, bagamat hindi pa niya nakikita ng personal si Mangusin, marami siyang isasampang kaso laban sa kanya, kasama na rin ang mga ebidensiya.

Sinabi ni Pacquaio na maraming beses na binanggit ni Mangusin ang kanyang pangalan sa kanyang vlogs at gumagawa ng mga walang katotohanang kuwento para sa kanyang pansariling interes.

Subalit hindi pa inilahad ni Pacquaio kung anong mga kaso ang plano niyang isampa laban sa vlogger.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na inaresto si Mangusin noong Martes ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isang hotel sa Pasay City may kaugnayan sa kasong unjust vexation.

May inirekomenda na piyansa sa kanyang kaso na P120,000.

Kaninang umaga, inilipat si Mangusin mula Canp Crame patungong kulungan sa Parañaque kasunod ng utos ng korte.