Nagpataw ng moratorium ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) sa pag-aangkat ng poultry products mula sa midwestern state ng US na Indiana dahil sa mga outbreak ng avian influenza.

Sinabi ng DA na nag-isyu si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng import restriction, agarang pagbabawal sa shipment ng poultry meat, day-old chicks, itlog, at semen na nagmula sa naturang estado.

Sinabi ng DA na inisyu ang import ban kasunod ng kumpirmadong mga outbreak ng highly pathogenic H5N1 avian influenza strain sa Indiana.

Samantala, sinabi na ang mga kargamento na nasa biyahe na, naikarga o natanggap na sa pantalan bago ang effectivity ng circular ay maaari pa ring makapasok sa Pilipinas.