Nagpatupad ng pagbabago sa mga hepe ng pulisya sa anim na bayan sa lalawigan ng Cagayan.

Itinalaga bilang bagong chief of police ng Gonzaga Police Station si PMAJ Ixon Iquin Cabauatan, kung saan pinalitan niya si PMAJ Arnel Ligutan Acain na siya naman ang bagong hepe ng Gattaran PS.

Inilipat naman sa Provincial Investigation and Detective Management Unit si outgoing COP PMAJ Garry Macadangdang.

Ang bagong COP naman ng Alcala ay si PMaj Harold Furigay Agdamag, kung saan pinalitan niya si PMAJ George Maribbay na itinalaga sa PeƱablanca.

Pinalitan ni Maribbay si PMAJ Harold Ocfemia na itinalaga sa Provincial Operations Management Unit.

-- ADVERTISEMENT --

Itinalaga sa Sanchez Mira PS si PCP Ronald Sagun na pinalitan niya si PMAJ Jeorge Jacob na bagong hepe naman ng Abulug PS.

Pinalitan ni Jacob si PMAJ Antonio Palattao na itinalaga sa Provincial Administrative and Resource Management Unit -General Services Office.

Kaugnay nito, sinabi ni PCOL Julio Gorospe, director ng PNP Cagayan na ang nasabing hakbang ay isang mahalagang hakbang sa pagpapatuloy ng mahusay na pamumuno at serbisyong totoo.