Itinuturing ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na patunay na hindi makakaiwas sa batas ang mga taong tumatakbo sa kaso ang pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Rep. Elizaldy Co sa Czech Republic.

Ayon kay Dy, mahalagang hakbang ito para sa hustisya at nagpapakita ng paninindigan ng administrasyon laban sa korapsyon at pananagutan ng mga opisyal na sangkot sa mga anomalya.

Sinabi rin niya na patuloy na tututukan ng Kamara ang mga hakbang para tugunan ang mga isyu ng publiko habang tinatalakay ang epekto ng mga isyu sa ekonomiya at iba pang usapin.

Nauna nang kinumpirma ng pamahalaan ang pagkakaaresto at pagkakakulong ni Co matapos umanong pumasok sa Czech Republic nang walang kumpletong dokumento.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ng nasabing bansa si Co.

-- ADVERTISEMENT --

Si Co ay itinuturing na isa sa mga malalaking tao na sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.