Ilulunsad ng Cagayan Museum and Historical Research Center ang dalawang aklat tungkol sa kasaysayan ng lalawigan ng Cagayan.

Kabilang dito ang “Till the River Runs Dry: A History of the Evangelization of Cagayan” at ang English translation ng “The Final Days of Spanish Rule in the Province of Cagayan” ni dating Spanish Governor José Enrique Altamirano y Salcedo.

Ayon kay Director at Curator Niño Kevin Baclig, layunin ng pagsasalin na mapalawak ang access ng mga estudyante at researchers sa mga tala tungkol sa huling bahagi ng pamamahala ng Espanya sa lalawigan.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang exhibit sa Provincial Museum tungkol sa ika-100 anibersaryo ng makasaysayang flight mula Madrid patungong Maynila na may stopover sa Aparri noong 1926. Nagsagawa rin ng commemorative mass at flower offering sa Loriga-Gallarza Marker, bilang parangal sa dalawang Spanish aviators.

Hindi ibebenta ang mga libro kundi ipamamahagi ang mga ito sa mga public library, unibersidad, at research center.

-- ADVERTISEMENT --

Bukas naman ang Provincial Museum nang walang entrance fee mula Lunes hanggang Biyernes (8 AM–5 PM), at weekends/holidays (9 AM–4 PM). Para sa Heritage Research Center, kinakailangan ang appointment.