
Nilinaw ni PROTECT Committee, Chairperson, Senador Win Gatchalian na hindi dahil sa isinulong niya noong lifeline discount at maging sa ipinapataw na senior discount kaya tumaas ang halaga ng bill sa kuryente.
Pagpapaliwanag niya, base sa datos, lumalabas na tumaas ang presyo ng kuryente dahil sa pagtaas ng generation charge sa P8.39 ngayong Abril na nitong Marso ay nasa P7.86 lang.
Pero giit niya, ang pagtaas na ito base sa Meralco ay dahil pa lang sa forex, ibig sabihin posible pa raw itong magmahal pa kung sakaling tataas pa ang presyo ng langis.
Samantala, ipinunto ng senador na posible rin itong magdala ng ‘tripple whammy’ dahil kung mataas ang presyo ng langis, aakyat din ang presyo ng kuryente at posible ring magmahal ang halaga ng pagkain.
Kaugnay nito, patuloy ang ginagawang talakayan sa pagdinig tungkol sa naging aksyon ng gobyerno para malabanan ito.
Sa kabilang banda, lumalabas na nasa P41.6 bilyon na ang nagastos ng gobyerno dahil sa pagtugon dito.










