Walang inaasahang pagtaas sa retail price ng bigas sa kabila ng nakatakdang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, ayon sa Department of Agriculture o DA.

Ayon sa DA, nananatiling stable ang presyo ng bigas sa mga pamilihan, na nasa ₱48 hanggang ₱55 kada kilo para sa regular at well-milled rice.

Sinabi rin ng ahensya na sapat ang rice inventory ng bansa at wala pang nakikitang epekto sa presyo ang pinsalang dulot ng mga nagdaang bagyo.

Batay sa Bantay Presyo ng DA noong Setyembre 7, nasa ₱45 hanggang ₱56 kada kilo ang premium local rice sa National Capital Region. Nasa ₱41 hanggang ₱48 naman ang regular-milled rice, habang ₱40 hanggang ₱56 kada kilo ang well-milled rice.

Samantala, nakatakdang tumaas ngayong linggo ng ₱4.69 kada litro ang gasolina, ₱5.18 ang diesel at ₱5.58 ang kerosene.

-- ADVERTISEMENT --