Pinuna sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ang pass-through charges na kasama sa binabayarang bill sa kuryente ng mga consumers.

Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na ma-audit na ng Energy Regulatory Commission ang mga pass-through charges ng mga electric company.

Mahalagang masiguro na hindi labis-labis ang ipinapasang charges sa mga consumers.

Para naman kay Energy Committee Chairman Erwin Tulfo, malinaw na inabuso ang presyuhan ng kuryente.

Isinusulong ng mga senador na gawing staggered o pautay-utay ang pagtaas sa presyo ng singil sa kuryente lalo ngayon na tumataas nanaman ang presyo ng langis.

-- ADVERTISEMENT --