
Sinalubong ng isang grupo ng mga Pilipino sa Vancouver, Canada si Palace Press Officer Claire Castro.
Sa isang viral video, makikitang nilapitan siya ng grupo, minura, at sinabing ‘Panget’, ‘Sinungaling’, at ‘Shame on you Ante Kler!’.
Panawagan nila ay managot at mag-resign na si Pangulong Bongbong Marcos kaugnay ng mga usapin ng korupsyon.
Sabi ni Castro sa media, gumagawa lang daw sana sila ng social media Reels para sa isang event sa Canada.
Aniya, hindi raw natapos ang kanilang shooting dahil sa ginawa ng grupong ito.
Sabi ng Palace official, bagamat nire-respeto naman nila ang freedom of expression, hindi naman daw kailangang maging bastos dahil ang ginawa ng grupo ay parang hindi ugali ng isang Pilipino.
Bagamat hindi raw niya tukoy ang nasa likod nito, baka ang ini-idolo raw ng mga ito ay ‘bayolente’.
Kung mananatili pa raw na ganito ang kanilang ugali ay hindi sila uunlad at ‘kawawa’ pa rin sila.










