Itinanggi ni Department Of Public Works And Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na sinabihan niya si Caloocan Rep. Edgar Erice na isi-zero ang pondo nito dahil sa mga batikos sa gobyerno.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tinawagan niya mismo si Dizon para linawin ang pahayag ni Erice at sinabi ng kalihim na hindi niya nakausap ang kongresista ang tungkol sa umano’y zero allocation.

Dahil dito, sinabi ni Castro na tila gumagawa lamang ng sariling kuwento si Erice at walang basehan ang kanyang alegasyon.

Giit ng Palasyo, bukas ang administrasyon sa mga batikos pero hindi dapat nagpapakalat ng paratang na walang ebidensya.

Sinabi rin ni Castro na bilang mambabatas, hindi sapat na sabihing ibinabahagi lamang ni Erice ang sentimyento ng publiko dahil kailangang may malinaw na basehan ang bawat alegasyon.

-- ADVERTISEMENT --