
Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng dry season o panahon ng tag-init sa bansa.
Ayon sa PAGASA, tapos na ang panahon ng amihan o northeast monsoon kaya asahan na ang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw.
Gayunman, nilinaw ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na may ilang bahagi pa rin sa Northern Luzon ang maaaring makaranas ng paminsan-minsang pag-iral ng northeasterly winds.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa heat-related illness na maaaring makuha dahil sa init ng panahon.









