Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang higit pang pagpapalakas sa kakayahan ng Philippine Navy sa gitna ng mga hamon sa seguridad sa rehiyon at sa West Philippine Sea.

Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Philippine Navy, sinabi ng Pangulo na kailangang mapanatili ng bansa ang isang matatag at modernong hukbong dagat upang maprotektahan ang soberanya ng Pilipinas at ang mga interes nito sa karagatan.

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na palawakin pa ang pakikipagtulungan sa mga kaalyado at friendly forces upang higit na mapalakas ang kakayahan ng sandatahang lakas.

Sa naturang okasyon, pinangunahan din ng Punong Ehekutibo ang commissioning ng BRP Rajah Lakandula, na ayon sa Pangulo ay makatutulong sa pagpapalakas ng kakayahan ng Navy na pangalagaan ang yamang-dagat ng bansa at igiit ang soberanya ng Pilipinas.

Samantala, pinasalamatan din ng Pangulo ang Naval Forces Eastern Mindanao sa agarang pag-activate ng disaster response mechanisms at paglalagay sa kanilang rescue teams sa heightened alert kasunod ng malakas na lindol sa Mindanao.

-- ADVERTISEMENT --