
Nasa Singapore na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang working visit.
Lumipad patungong Changi Airport ang sinasakyang eroplano ng Pangulo alas-5:27 ng ng hapon nitong Martes.
Mamayang hapon naman nakatakdang magsagawa ng courtesy call at bilateral meeting ang Pangulo kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong na gaganapin sa Istana Villa.
Bahagi ng working visit ang pagpapalakas ng bilateral relations ng Pilipinas at Singapore, na susunod na ASEAN Chair sa 2027.
Inaasahang tatalakayin nina Pangulong Marcos at Wong ang kooperasyon sa trade and investment, environment at health, gayundin ang regional at global developments.
Bukod sa bilateral meeting kay Wong, may dalawa ring business meetings ang Pangulo sa Hilton Singapore Orchard.
Samantala, habang nasa ibang bansa ang Pangulo, kabilang sa mga itinalagang caretaker ng pamahalaan sina Executive Secretary Ralph Recto, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Labor Secretary Francis Tolentino.
Habang babalik din agad bukas ang Pangulo sa Pilipinas.










