
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga local government units (LGU) na pag-aralan ang digital payment systems sa pamamahagi ng tulong mula sa gobyerno.
Ito ay para maiwasan na magamit ng mga pulitiko ang pamamahagi para sa kanilang sariling agenda.
Hindi ikinaila ng Pangulo na tuwing mayroong pamamahagi ng tulong ang national government ay nangunguna ng ilang pulitiko para magbigay ng kanilang talumpati.
Tinawag pa nito na ‘epal’ ang nasabing gawain dahil sa ginagamit ang nasabing programa para sa kanilang pansariling agenda.










