Inaasahang dadalhin sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas bago maghatinggabi si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, kasunod ito ng utos ng Sandiganbayan Third Division na ilipat at ikulong doon si Romualdez.

Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱7.2 bilyong kickback mula sa mga proyekto sa imprastraktura ng gobyerno.

Nananatiling nakapiit naman sa ibang lugar ang kanyang mga co-accused na sina dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, Felicito Guevarra ng Samchan Foreign Exchange Corp., at personal assistant ni Romualdez na si Joselin Sereño dahil hindi pa sila nahuhuli.

Sinabi naman ni Romualdez na iginagalang niya ang desisyon ng korte at haharapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya, habang patuloy na iginiit ang kanyang pagiging inosente.

-- ADVERTISEMENT --