
Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na dumalo sa kanyang arraignment at pre-trial proceedings sa pamamagitan ng videoconference ngayong Miyerkules, Setyembre 16.
Ayon kay Third Division clerk of court Atty. Dennis Pulma, pinagbigyan ng korte ang urgent motion ni Romualdez na makadalo sa pagdinig online.
Nakatakda ang arraignment alas-8:30 ng umaga kaugnay ng kasong plunder laban kay Romualdez na may kinalaman sa umano’y ₱7.2 bilyong kickbacks mula sa mga pondo para sa infrastructure projects.
Nakadetine ngayon si Romualdez sa New Quezon City Jail sa Payatas matapos ideklarang stable ng mga doktor at hindi na kailangang manatili sa ospital.
Samantala, nananatiling at large ang kanyang mga kapwa akusado na sina dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co, Felicito Guevarra at personal assistant Joselyn Sereño.










