Nagtungo na sa Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa tatlong araw na working visit na tatagal hanggang Hulyo 16.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), alas-5:27 ng hapon lumipad ang sinasakyang eroplano ng Pangulo mula sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Makikipagpulong si Marcos kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong upang talakayin ang kalakalan, pamumuhunan, kalusugan, kalikasan, at iba pang usaping panrehiyon.

Inaasahan din niyang makahikayat ng mas maraming pamumuhunan sa bansa sa pakikipagpulong sa mga business leaders.

Kasama rin sa biyahe si First Lady Liza Araneta-Marcos na magbibigay ng mensahe sa Global Economic Cooperation Summit sa imbitasyon ng India-based Future Economic Cooperation Council.

-- ADVERTISEMENT --