
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na lalo pa nitong paiigtingin ang pagbibigay ng seguridad sa mga paaralan kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay PCol. Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office ng PNP, nagpapasalamat ang kanilang hanay sa pagkilala ng Pangulo sa mga hakbang ng pulisya upang mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral at mga paaralan.
Matatandaang sinabi ni Marcos sa kanyang SONA na patuloy ang koordinasyon ng PNP at Department of Education (DepEd) upang mapalakas ang seguridad sa mga paaralan at maiwasan ang mga insidenteng kriminal na kinasasangkutan ng mga estudyante.










