
Nakipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay boxing legend Manny Pacquaio para sa pagpapasakamay sa kanyang memorabilia sa National Sports Museum.
Ibinigay ni Pacquaio ang ilan sa kanyang iniingatan na memorabilia sa museum sa loob ng PhilSports Arena.
Puring-puri ni Marcos si Pacquaio sa kanyang tagumpay sa larangan ng boxing, kung saan sinabi niya na nalampasan pa niya si Muhammad Ali sa kanyang kasikatan sa buong mundo.
Habang nagkalaban sina Marcos at Pacquaio sa 2022 presidential elections, pinuri pa rin niya ito na tinawag niyang legend sa Philippine sports.
Idinagdag pa ni Marcos na si Pacquaio na isang mapagpakumbaba at may takot Diyos at hindi niya nakakalimutan na siya ay isang Pilipino sa kabila ng kanyang kasikatan.
Tinawag niya si Pacquaio na “champion of humanity” at ” a champion as sa Filipino.”
Ibinigay ni Pacquaio ang mahahalagang piraso ng kanyang gear sa permanent collection ng museum, kasama ang kanyang fight trunks na ginamit niya sa dalawang mahahalagang laban sa kanyang karera: ang kanyang panalo laban kay Miguel Cotto noong 2009, at ang kanyang panalo laban kay Antonio Margarito noong 2010, at ang World Boxing Council belt.
Kaugnay nito, sinabi ni Pacquaio na may panukala siyang programa para sa mga umuusbong na mga kabataang atleta.










