
Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakumpirma ng mga divers ang posibleng kinaroroonan ng lumubog na M/V Trisha Kirsten 3 sa isinagawang dive operations sa Baluk-Baluk Island sa Hadji Muhtamad, Basilan kahapon.
Batay sa pahayag ni Commander Cheska Jamorol, na siya ang nangangasiwala sa dive operation, nakita ang barko sa eas-to-west orientation.
Sa operasyon kahapon, nakakuha ang PCG search and rescue team, katuwang ang local government rescuers at volunteers ng isang bangkay.
Dahil dito, umaabot na sa 43 ang namatay sa nasabing trahedya.
Bukod sa remotely operated vehicles, nagtalaga din ang PCG ng sound navigation at ranging technology para matukoy ang lokasyon ng lumubog na barko.
Mayor Darwin Estrañero performs the ‘salidsid’ as part of the cultural presentation of Tabuk City during the Bodong Festival Kick-off on February 2, 2026. (video by Tabuk CPIO)










