Presidential Communications Operations Office

TUGUEGARAO CITY-Nirereview na ng Presidential Communications Operations Office(PCOO) ang maaring maiambag ng mga miembro ng mamahayag sa adbokasiya ng kasalukuyang administrasyon kontra droga.

Ayon kay Undersecretary Joel Egco ng PCOO, isa umano sa banta sa buhay ng mga media members ang ginagawang pagwi-witness sa ikinakasang anti-illegal drug buy bust operation ng mga otoridad.

Aniya, marami umano sa pamilya ng mga drug suspek ang nagagalit sa miembro ng media na pumipirma sa witness documents ng mga operating officer.

Dahil dito, isa umano ito sa nakikitang factor kung bakit hanggang sa ngayon ay mapanganib parin ang buhay ng mga mamamahayag sa bansa.