Nagbabala ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP Laban) na hindi nila tatanggapin at hindi pahihintulutang tumakbo sa ilalim ng kanilang partido ang sinumang pulitiko na bobotong pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Ang hakbang na ito ay lumabas bago ang nakatakdang botohan sa plenaryo ng Kamara ngayong araw, kung saan tatalakayin ang mga reklamong betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, at iba pa laban sa Bise Presidente.

Ayon sa PDP, hindi sila magsisilbing “refuge” para sa mga opisyal na nakikibahagi sa itinuturing nilang “politically driven” na pag-atake sa mandato ng mahigit 32 milyong Pilipino.