Bumagsak ang halaga ng piso laban sa US dollar nitong Huwebes matapos maputol ang dalawang araw nitong pag-angat, kasunod ng mas mababang economic growth forecast para sa Pilipinas.

Nagsara ang piso sa P62.735 kada isang dolyar, mas mahina ng 15 sentimos kumpara sa P62.585 na closing rate noong Miyerkules.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort, kabilang sa mga nakaapekto sa piso ang pagbaba ng growth projections para sa ekonomiya at mga pagtatayang mas mataas na inflation sa bansa.

Inaasahan naman ng Asian Development Bank o ADB na lalago ng 3.3% ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon at 5.1% sa 2027—mas mababa sa dati nitong forecast na 3.8% at 5.3%, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, inaasahan ng bangko na aabot sa 5.9% ang inflation ngayong taon, mula sa dati nitong forecast na 3.9%.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbukas ang piso sa P62.70 kada dolyar at umabot sa intraday low na P62.795 bago tuluyang magsara sa P62.735.