
Humarap ngayong araw, May 21, sa Pasig City Regional Trial Court si Peanut Gallery Media Network (PGMN) Founder Franco Mabanta para dinggin ang pagsasakdal kaugnay ng robbery extortion na isinampa ng kampo ni former House Speaker Martin Romualdez.
Tumagal ng halos dalawang oras sa loob ng gusali si Mabanta pero hindi siya naaninag sa labas ng gusali, maging ang kaniyang legal council, matapos ang nasabing pagsasakdal.
Samantala, dumalo rin ang spokesperson ni former House Speaker Martin Romualdez na si Atty. Elaine Atienza pero tumanggi itong kumanta ng anumang impormasyon tungkol sa kaso at sa documentary video.
Matatandaang inaprubahan na rin ng Pasig Court ang paglalabas ng cyber warrant para magkaroon ng access sa mga gadget ni Mabanta at iba pang akusado na nakumpiska noong inaresto sila.










