Nakakuha Miss Universe 2015 titleholder ng $8.1 million o nasa P474,951,600 na halaga ng MIV, batay sa data na inilabas ng analytics company Launchmetrics.

Sumunod kay Wurtzbach si Indian actress-beauty queen Urvashi Rautela na may $7.9 million o nasa P463,224,400 na halaga ng MIV.

Pangatlo sa listahan si Indian actress-entrepreneur Preity Zinta na may $4.2 million at Indian actress Avneet Kaur sa ikaapat na piwesto na with $4.1 million.

Noong buwan ng Pebrero, pumangalawa si Wurtzbach sa listahan ng mga celebreties na nakakuha ng pinakamataas na media value sa 2024 Milan Fashion Week.

Nakakuha siya ng spot sa listahan na may $5.4 million na halaga ng MIV kasama sina kapwa Filipino actress Heart Evangelista na nakakuha ng $3.6 million ng MIV.

-- ADVERTISEMENT --

Pasok din ang dalawa sa Top 30 influencers sa fashion event, batay sa data na inilabas ng influencer marketing platform Lefty.

Bukod sa mga nasabing pagkilala, ibinigay kay Wurtzbach ang Global Fashion Influencer of the Year award sa Dubai noong Abril.